Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi magagamit ang bagong batas sa Anti-Terrorism bilang kasangkapan upang supilin ang kalayaan sa pamamahayag.
Sa isang statement, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na mga terorista lamang ang takot na takot sa Anti-Terrorism Law at hindi ang mga mamamayan na sumusunod sa batas.
Pinasalamatan ng kalihim ang 18th Congress at si Pangulong Rodrigo Duterte sa ipinakitang katatagang pampulitika upang bigyan ng sapat na sandata ang mga tagapagpatupad ng batas para mapigilan ang paghahasik ng karahasan ng mga terorista.
Ani Año, isang regalo ang napirmahang batas sa mga naging biktima ng mga karahasan ng mga terorista at sa mga pulis at sundalo na nagbuwis ng buhay alang-alang sa pagkamit ng kapayapaan sa bansa.