DILG, nangako na proprotektahan ang mga barangay frontliners laban sa pananakot habang may ECQ

Iniutos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) na bigyan ng proteksyon ang mga barangay frontline workers na mahaharap sa pananakot o pananakit habang ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ginawa ni DILG Spokesman at Undersecretary Jonathan Malaya ang katiyakan matapos makatanggap ng ulat na binato at sinaktan ang ilang Barangay Tanods na naghihigpit sa implementasyon ng ECQ.

Umapela si Malaya sa publiko na  suportahan sa halip na saktan ang mga barangay officials na ang layunin lamang ay tiyakin na hindi na kumalat ang virus sa kanilang nasasakupan.


Ani Malaya, dapat ay isaalang alang din ng taumbayan ang  kapakanan ng mga barangay frontliners.

Inaasahang magpapalabas ng hiwalay na direktiba si Secretary Año para sa proteksyon ng mga barangay officials para hindi maulit ang naturang insidente.

Facebook Comments