DILG, nangakong iaanunsyo ang bubuo sa committee of five na sasala sa mga isinumiteng courtesy resignation

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government o DILG na kanilang i-aanunsyo ang bubuo sa committee of five sa lalong madaling panahon.

Sila ang sasala sa mga inihaing courtesy resignation ng mga full-fledged colonel at generals sa Philippine National Police o PNP bilang bahagi ng kanilang internal cleansing partikular na ang mga nasasangkot sa iligal na droga.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos Jr., kailangan silang maging mabilis sa pagbuo ng nasabing komite lalo pa’t may ilan nang mga police official ang inaabutan na ng pagreretiro.


Kasunod nito, nagpasalamat si Abalos sa mga naghain ng kanilang pagbibitiw bilang pakikiisa sa layuning linisin ang hanay ng pulisya mula sa batik ng iligal na droga.

Batay sa pinakahuling datos ng PNP, nasa 942 mula sa kabuuang 953 na mga koronel at heneral na ang naghain ng kanilang courtesy resignation o katumbas ng 98.85 percent.

Facebook Comments