Panibagong pambu-bully ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pinoy sa Ayungin Shoal, iniimbestigahan na ng PCG

Iniimbestigahan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang panibagong pantataboy ng Chinese Coast Guard vessel sa mga mangingisdang Pilipino sa Ayungin Shoal.

Partikular ang report ng Filipino fishing boat (FFB) KEN-KEN, boat captain Lito Al-os sa pangha-harass sa kanila ng Chinese Coast Guard.

Sa ngayon, nangangalap na ang PCG ng mga ebidensyang isusumite sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa diplomatic action.


Agad din na nag-deploy ng karagdagang mga barko ang PCG sa West Philippine Sea (WPS) para maprotektahan ang interes ng mga mangingisdang Pinoy.

Facebook Comments