DILG, nangakong makikipagtulungan sa papasok na administrasyon

Katanggap-tanggap para sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpasok ng administrasyong Marcos-Duterte.

Sa isang statament, binati ni Interior Secretary Eduardo Año sina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.

Ani Año, patuloy na makikipagtulungan ang DILG sa incoming administration sa pagkamit ng pagkakaisa para matamo ang pag-unlad.


Patuloy ring itataguyod ng ahensya ang matino at maasahang serbisyo.

Umaasa rin ang kalihim na sa pag-upo ni Benhur Abalos bilang incoming DILG chief ay tiyak na magagabayan nito ang mga Local Government Unit sa kanilang mandato at sa pagpapanatili ng peace and order.

Facebook Comments