DILG, nanindigan na aarestuhin pa rin ang mga vape users

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga gumagamit ng vape o electronic cigarettes sa mga pampublikong lugar na puwede pa rin silang arestuhin dahil sa paglabag sa Clean Air Act at anti-smoking laws.

Ayon kay DILG Public Affairs chief Tess Vergara, hindi puwedeng idahilan ng mga vape users na hindi maaring ipatupad ang verbal order ni Pangulong Rodrigo Duterte na i- ban ang e-cigarette  dahil mangangailangan ito ng Executive Order (EO).

Ang kawalan ng EO ang sinasabing dahilan kung bakit maraming mga vape users ang pinakawalan din ng mga otoridad matapos maimbitahan.


Sa ngayon ay inaantabayanan na lamang ng DILG ang ipapapalabas na EO ng Pangulo na magbibigay kapangyarihan sa LGU na ipagbawal ang importation ng vape at paggamit nito sa pampublikong lugar.

Facebook Comments