DILG, nanindigan sa posisyon nitong buhayin ang Anti-Subversion Law

Muling iginiit ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang muling pagbuhay sa Anti-Subversion Law upang mapigilan ang recruitment ng rebeldeng komunista sa bansa.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, sa mga kasalukuyang batas, napaparusahan lamang ang Individual Acts ng Communist Terrorist Groups, pero ang Anti-Subversion Law ay idedeklarang ilegal ang recruitment o membership sa mga illegal organizations.

Mahina rin aniya ang Human Security Act.


Sa tulong ng panukalang batas, paparalisahin nito ang galaw ng rebeldeng komunista sa urban areas.

Dagdag pa ni Año, aabot sa 500 hanggang 1,000 kabataan ang nare-recruit ng Communist Group kada taon.

Sinabi naman ni Army Spokesperson Lt/Col. Ramon Zagala, handa nilang suportahan ang panukala ng DILG Chief.

Una nang sinabi ng Malacañan na kailangang pag-aralan ang panukala.

Iginiit naman ng Communist Party of the Philippines (CPP) na maraming manggagawa, estudyante, at mahihirap ang maling maaakusahan sa ilalim ng panukalang batas.

Facebook Comments