Hindi titigil ang pamahalaan sa pagbibigay ng mga bakuna sa mga Local Government Units (LGUs) na mabagal ang vaccination roll out.
Ito ang binigyang diin ni Department of the Interior & Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya.
Sa press conference sa Malakanyang, sinabi nitong kanila munang ina-assess ang performance ng bawat LGUs.
Kapag nakita nilang mabagal ang pagbabakuna ay hindi muna sila nagpapadala ng panibagong suplay hangga’t hindi pa nauubos ang stock.
Layon aniya nitong hindi masayang ang mga bakuna lalo na yung mga nangangailangan ng ultra-low temperature.
Sa oras naman aniyang maubos na ang kanilang mga bakua ay agad nagpapadala ang national government dahil marami tayong supply ng bakuna sa kasalukuyan.
Kasabay nito, patuloy rin ang paghihikayat ng gobyerno sa mga LGUs na pabilisin pa ang pagbabakuna sa kanilang nasasakupan upang bago matapos ang taong kasalukuyan ay makamit na ang inaasam na population protection.