DILG, nilinaw na naglabas ng resolution ang Quezon City LGU na tumutuligsa sa Communist Terrorist Groups

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government na nagpasa ng resolution ang Lokal na Pamahalaan ng Quezon City na tumutuligsa sa Communist Terrorism.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, base sa records nila ay nagpasa ang Sangguniang Panlungsod ng Resolution No. 8189 noong Marso 16, 2020 sa kanilang ika-25 regular session.

Ito’y bilang suporta sa Executive Order No. 70 noong 2018 na nagtatag ng National Task Force to end Communist Armed Conflict at nagpapatupad ng whole-of-Nation Approach para ganap na makamit at mapanatili ang kapayapaan sa bansa.


Paliwanag pa ni Malaya, ang mahigpit na pagkondena ng mga LGU kabilang ang Quezon City sa mga atrocities ng communist terrorist groups sa pamamagitan ng sanggunian resolutions ay naideklara na silang Persona Non Grata sa kanilang lokalidad.

Nilinaw ito ang DILG kasunod ng pahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na pinasisinungalingan nito na naglabas ng resolution ang LGU na nagdedeklara sa CPP-NPA-NDF na Persona Non Grata.

Ito’y matapos sabihin ng DILG na kasama ang QC sa 1,546 LGUs sa buong bansa na nagpalabas ng resolution laban sa teroristang grupo.

Facebook Comments