Alisah Bonaobra at Myko Mañago, magkakaroon ng Christmas online concert ngayong December 19

Magkakaroon ng Christmas concert online sina X-factor UK finalist at The Voice Philippines 1st runner-up Alisah Bonaobra at Tawag ng tanghalan 3-time Defending Champion at Wowowin Semifinalist Myko Mañago sa darating na December 19, 2020, alas-7 ng gabi na pinamagatang “Pasko ay Pag-ibig”.

Sa interview ng Laughter is the Best Magazine Show (LBMS) ng DZXL 558 Radyo Trabaho, sinabi nina Alisah at Myko na isa rin itong fundraising concert na layong tulungan ang Kalipay Negrense Foundation, isang non-profit organization na nais matulungan ang mga walang tirahan, nakararanas ng pang-aabuso, mga batang may kapansanan at iba pa.

Nabatid na ang RJA, Productions, LLC ang nagsagawa ng naturang Christmas concert na kanilang talent management.


Makakasama rin sa nasabing concert ang special guests na sina Concert King Martin Nievera and Pop Diva Kuh Ledesma.

Makakasama rin ang isa sa RJA artist at ating RMN-iFM Manila RadyoManager Robster Evangelista na isa ring singer-songwriter, radio personality, PBA announcer, author at speaker.

Kabilang din sa concert ang mga RJA artists na sina Ireland’s Got Talent Semi-finalist and Eurovision Kids 1st runner up Shaniah Rollo, inspirational balladeer and gospel singer Bonn Barretto at Manila’s up and coming crooner Vincent Jao III.

Para sa mga pagpapareserba ng ticket, bisitahin lang ang ticket2me.net o ang official Facebook page na RJA, productions, LLC.

Facebook Comments