DILG OIC Catalino Cuy, nakiisa sa mga empleyado ng gobyerno sa Marawi City

228

Marawi City – Inihayag ngayon ni DILG OIC Catalino Cuy na ang kanyang sadya sa pagtungo sa Marawi City ay upang ipadama sa mga opisyal at empleyado ng LGU’ s doon ang pakikiiisa ng ahensya sa kanilang nararamdamang pighati at hirap dulot ng kaguluhan doon.

Ayon kay Cuy, bukod sa kanyang pakikidalamhati sa mga naulila ng empleyado ng Marawi City Government, nais rin iparating ng opisyal na plano ng DILG na tutukan ang rehabilitasyon sa mga nasirang gusali ng gobyerno.

Paliwanag ni Cuy, mahalaga ang kanyang pagpunta sa Marawi para malaman ng mga empleyado ng gobyerno roon na ang DILG ay handang tumulong anumang pangangailangan ng kanilang mga empleyado.


Giit ni Cuy, pina-plano na ngayon ng DILG ang rehabilitasyon sa mga gusali ng gobyerno na nasira dahil sa matinding bakbakan sa pagitan ng Maute group at tropa ng pamahalaan.

Facebook Comments