Pangulong Duterte, gustong magpunta ng Marawi City

Marawi City – Inihayag ng Palasyo ng MalacaƱang na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na makasama ang mga taga Marawi City sa selebrasyon ng kanyang unang taon sa panunungkulan.

Ayon kay Assistant Secretary Ana Marie Banaag, hindi pa tiyak pero gusto ng Pangulo na pumunta ng Marawi City bukas.

Ito aniya ay upang maiparamdam ng Pangulo sa mga residente ng lungsod na hindi niya sila iniiwan at ang gobyerno ay nasa likod lang at sumusuporta sa mga apektadong residente.


Matatandaan na kahapon ay sinabi ni Pangulong Duterte na gusto niyang pumunta sa Marawi City pero hindi pa naman naglalabas ang Malacanang ng opisyal na schedule ng Pangulo para bukas.

Samantala ngayong araw naman ay dalawa ang magiging aktibidad ng Pangulo sa Mindanao, isa sa Tagum City at isa naman sa Davao City.

Facebook Comments