DILG, pakikilusin ang SK bilang mga data encoders para sa National Vaccination Day

Pakikilusin na rin ang Sangguniang Kabataan (SK) bilang katuwang sa simultaneous vaccination drive mula November 29 hanngang December 1, 2021.

Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na nakikipag-ugnayan na sila sa National Youth Commission at SK Federation upang makuha ang serbisyo ng SK partikular na bilang mga encoders.

Maliban sa SK, magpapadala rin ang Department of Education (DepEd) ng mga guro para tumulong sa encoding sa Bayanihan Bakunahan vaccination drive.


Maging ang Department of Labor and Employment ay magpapakalat ng mga additional encoders para sa vaccination drives sa ilalim ng Government Internship Program.

Inaanyayahan ng Depertment of the Interior and Local Government (DILG) ang bawat Pilipino na makiisa at magparehistro sa pinakamalapit na Local Government Unit (LGU) sa kanilang mga lugar.

Hinihikayat din ng ahensya ang mga bakunado na mag volunteer bilang mga vaccinators.

Target ng national government na mabakunahan ang abot sa 15-million Filipinos sa tatlong araw na vaccination activity na may layuning mabilis na makamit ang population protection sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments