Fully vaccinated na mga kliyente ng Bureau of Immigration, exempted na sa pagkuha ng online appointment

125

Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) na maaari nang makipagtransaksyon sa kanilang main office ang mga kliyente kahit walang online appointment basta’t sila ay fully vaccinated.

Ang kailangan lamang gawin ay magpakita ng vaccination cards o certification na magpapatunay na sila ay fully vaccinated kontra COVID-19.

Habang ang mga hindi pa bakunado ay obligado pa ring kumuha ng online appointment sa BI website.


Una nang inanunsyo ng BI na balik na sila sa normal work hours epektibo ngayong araw, November 22.

Ito ay makaraang ilagay na sa Alert Level 2 ang Metro Manila.

Facebook Comments