DILG, pinaalalahanan ang mga bagong halal na LGU officials na magsumite na ng kanilang Statement of Contributions and Expenses sa Comelec

Pinaalalahanan ng  Department of  Interior and Local Government ang mga  bagong halal na  local government officials na magsumite na ng kanilang Statement of Contributions and Expenses (SOCE)  hanggang Hunyo 13.

 

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, kailangan nilang isumite sa Comelec ang kanilang SOCEs at kapag nabigo ay hindi sila papayagan na makapanungkulan sa kanilang tanggapan.

 

Kabilang sa SOCE ang cash at in-kind contributions na tinanggap ng isang kandidato mula sa  political party at iba pang sources.


 

Kasama din dito ang expenditures  na binayaran mula sa personal na pondo .

 

Sinabi pa ni Malaya, ang  DILG at Comelec ay lumagda sa isang memorandum of agreement na sinasabing ang  DILG o alinman sa kanyang attached agencies ay mag oobliga sa mga winning candidate na mag presenta ng Certification mula sa Comelec katunayan ay  sumunod sa kanyang obligasyon sa SOCE.

 

Paglilinaw pa ng DILG, hindi lamang ang mga winning candidate ang obligado na magsumite ng SOCE kungdi pati na ang mga natalo ,mga na  disqualified, gayundin ang mga Political Parties.

Facebook Comments