DILG, pinag-aaralan kung may pananagutan ang mga opisyal sa pagbalewala sa social distancing sa Manila Bay white sand 

COURTESY: MAYOR ISKO MORENO FACEBOOK

Nangako ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na makikipag-ugnayan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para malaman kung may pananagutan ang mga matataas na opisyal sa kabiguang pagpapatupad ng social distancing protocols sa pagbubukas ng Manila Bay Sands nitong weekend. 

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, tatalakayin niya ang isyung ito kay Environment Secretary Roy Cimatu ay aalamin nila kung ano ang mga pagkakamali. 

Iginiit ni Año, dapat inasahan ng mga awtoridad at ng lokal na pamahalaan ang pagdumog ng mga tao sa lugar. 


Napansin din ng kalihim na hindi napaghandaan ang pagbubukas ng Manila Bay Sands. 

Sa ngayon, isinara muna ang lugar para sa nagpapatuloy na rehabilitasyon ng Manila Bay. 

Facebook Comments