Pinaghahanda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan sa magiging epekto ng La Niña lalupa’t may COVID-19 pandemic.
Kasunod ito ng anunsyo ng PAGASA na nasa 70 hanggang 80% ang posibilidad na maranasan ang La Niña sa huling hati ng 2021.
Mararanasan umano ang above-normal rainfall conditions sa iba’t ibang lugar sa bansa hanggang sa first quarter ng 2022.
Inatasan ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga Local Government Units (LGUs) na i-convene ang kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMC) at makapaglatag ng La Niña pre-disaster risk assessment.
Gayundin upang mai-update ang kanilang local contingency plans o La Niña action plans para sa hydrometeorological hazards.
Ani Año, dapat tiyaking may partisipasyon ang ang mga local health officers upang maisama sa paghahanda ang critical COVID-19 prevention protocols.
Ani Año, dapat tiyaking may partisipasyon ang ang mga local health officers upang maisama sa paghahanda ang critical COVID-19 prevention protocols.
Pinapa-assess din ng DILG Secretary ang structural integrity at capacity ng vital facilities, katulad ng mga evacuation centers, vaccination centers, health centers at hospitals para sa pagharap ng COVID-19 cases.