DILG, pinagpapaliwag si Mayor Isko sa ‘isyu’ ng iligal na droga sa Maynila noong ‘2018’

Pinagpapaliwanag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Manila Mayor Isko Moreno dahil sa umano’y kabiguan ng lokal na pamahalaan na maabot ang pamantayan ng gobyerno sa Anti-Drug Abuse Council noong 2018, isang taon bago pa siya mahalal na alkalde.

Sa inilabas na show cause order na may petsang July 9, nakabatay ang pagtataya sa 2018 Anti-Drug Abuse Council Performance Audit kung saan bigo umano ni Mayor Isko na ipatupad ang polisiya.

Partikular dito ang pagsunod sa National Drug Abuse Council Audit.


Sa naturang kautusan, inatasan si Moreno na tumugon sa loob ng 10 araw matapos matanggap ang abiso.

Sinabi naman ng DILG na maglalabas ito ng pahayag kaugnay sa naturang usapin.

Facebook Comments