School calendar para sa School Year 2021, inilabas na ng DepEd

Inilabas na ng Department of Education (DepEd) ang school calendar at mga nakatakdang aktibidad para sa School Year 2021.

Sa inilabas na pahayag ng DepEd, magsisimula ang pagbubukas ng klase sa September 13, 2021 at magtatapos sa June 24, 2022.

Kinabibilangan ito ng 209 araw kung saan kasama na ang sabado at limang araw na pahinga sa kalahati ng taon.


Kung mayroon namang mga konsiderasyon para sa relihiyon na nakakaapekto sa araw ng Sabado, sinabi ng DepEd na gagawin na lamang ito sa linggo.

Patuloy namang ipinagbabawal ang pagsasagawa ng face-to-face classes dahil wala pa itong permiso mula kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa posibleng pagkahawa sa COVID-19.

Facebook Comments