Tiniyak ni Interior Secretary Eduardo Año ang buong kooperasyon sa Department of Health (DOH) sa contact tracing ng mga pasahero na nakasalamuha ng dalawang nagpositibo sa novel coronavirus.
Inatasan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) na kunin ang flight manifest mula sa mga airlines at pasimulan ang pagtunton sa kinaroroonan ng mga tinutukoy na mga indibidwal.
Kagyat namang tumugon ang PNP at pinakilos ni PNP chief Archie Gamboa ang Criminal Investigation and Detection Group na magdeploy na ng tracker teams.
Inalerto na rin no Gamboa ang lahat ng units ng PNP sa buong bansa na tumulong sa contact tracing.
Umapela si Año sa publiko at sa mga Local Government Units na makipag kooperasyon sa mga hakbang ng gobyerno na mapigilan ang pagkalat ng nCoV sa buong bansa