DILG, pinatitiyak sa mga LGU na tuluy-tuloy ang supply ng kuryente sa vaccines storage facilities

Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga local government units (LGU) na magpatupad ng mga kinakailangang hakbang para matiyak na tuluy-tuloy ang supply ng kuryente sa mga COVID-19 vaccine storage facilities.

Ito ang pahayag ng kagawaran matapos mag-isyu ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa Luzon ng red alert sa Luzon kung saan magpapatupad ng rotational brownouts dahil sa tumataas na demand ng kuryente bunga ng mainit na panahon.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, sa panahon ng pandemya ay mahalagang mapanatili ang bisa ng mga bakuna.


Importanteng may contingency plans ang mga LGUs para maibsan ang rotational brownouts na ipapatupad ng NGCP.

Sa abiso ng NGCP, ang mga electric consumers sa Luzon ay makararanas ng rotational brownouts sa unang linggo ng Hunyo sa harap ng pagnipis ng supply ng kuryente dahil sa outages na nangyayari sa ilang planta

Facebook Comments