DILG, pinatutukan sa PNP ang war on drugs matapos makapagsampa ng kaso sa Percy Lapid murder case

Inatasan ni DILG Secretary Benhur Abalos ang Philippine National Police (PNP) na tutukan naman ang kampanya kontra iligal na droga sa bansa.

Ang pahayag ng kalihim ay kasabay ng pagbibigay parangal sa mga miyembro ng special investigation task group sa Lapid murder case na isinagawa sa grandstand ng Camp Bagong Diwa sa Lungsod ng Taguig kahapon na pinangunahan ni NCRPO Chief PBrig. Gen. Jonnel Estomo.

Ayon kay Secretary Abalos, ngayon nakapaghain na sila ng kaso sa Percy Lapid murder case dapat naman aniyang tutukan ang paglaban ng PNP sa illegal drugs.


Nais malaman ng kalihim kung saang barangay ang may mga mararaming users at pushers ng ipinagbabawal na droga para matutukan ng mga otoridad at maipa-rehab ang mga lulong sa droga at kasuhan naman ang nararapat na kasuhan.

Dagdag pa ni Abalos, dapat na hanapin ang mga ugat o mga malalaking isda sa pagkalat ng ipinagbabawal na droga at mapanagot sa batas.

Pursigido si Secretary Abalos na ipagpatuloy ang kampanya sa war on drugs at nagbigay na ito ng ultimatum para matuldukan ang illegal drugs sa bansa.

Facebook Comments