Kahit ibinaba na ang alert level sa Taal Volcano, nais ni DILG Secretary Eduardo Año na huwag magpakakampante ang Philippine National Police at iba pang public safety units.
Ani Año, dapat pa ring maging handa at listo ang mga residente sa sandaling muling pumutok ang Bulkang Taal.
Ginawa ng DILG Chief ang pahayag kasunod ng babala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na hindi pa rin inaalis ang banta sa kaligtasan dahil nanatili pa rin ang mga alert level.
Pinayuhan ng DILG Secretary ang mga Provincial Governors ng Batangas at Cavite na maging proactive sa mga hakbang upang matiyak na ang lahat ng Local Chief executivess ay naka-alerto hinggil sa Taal Volcano eruption.
Lahat ng mga alkalde at pinunong Barangay ay kinakailangang tumanggap ng gabay at utos sa pamunuan ng dalawang lalawigan para mayroong iisa at magkakaparehong aksyon ano man ang mangyari.