QCPD chief, naglunsad ng sunod- sunod na crack down laban sa illegal gambling, 20 katao, arestado

101

Matapos ang kautusan ni PNP Chief Gamboa na paigtingin ang kampanya laban sa illegal na pasugalan sa QC, nasa dalawampung katao ang agad na nasampolan.

Ayon kay QCPD Director, Police Brigadier General Ronnie Montejo, mismong mga concerned citizen ang nagnguso sa nangyayaring illegal na tupada sa Makabayan Street sa Barangay Obrero.


sinalakay ito ng mga operatiba ng police station 10 na nagresulta sa pagka aresto nina Joy Rufino at Ronald Pasco habang nakatakbo ang ibang mananaya.

Nakumpiska sa illegal na tupada ang dalawang panabong na manok at bet money na Php510.00.

Sunod namang sinuyod ang Barangay Bagbag, sa Novaliches at nakuwelyuhan ang pito kataong naaktuhang nagka-kara krus

Nakuha naman sa lugar ang Php 2,467 bet money at mga pangara coins.

Sinuyod din ang Brgy. Kaligayahan at Barangay San Martin De Porres, Cubao na nagresulta sa pagkahuli ng Ian pa na naaktuhang nagto-tong its.

Facebook Comments