DILG, pinayuhan ang mga residente malapit sa Taal volcano na huwag magpakakampante

53

Kahit ibinaba na ang alert level sa Taal Volcano, nais ni DILG Secretary Eduardo  Año na huwag  magpakakampante ang  Philippine National Police  at iba pang public safety units.

Ani Año, dapat pa ring maging handa at listo ang mga residente sa sandaling muling pumutok ang Bulkang Taal.


Ginawa ng DILG Chief ang pahayag kasunod ng babala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na hindi pa rin inaalis ang banta sa kaligtasan dahil nanatili pa rin ang mga alert level.

Pinayuhan ng DILG Secretary ang mga Provincial Governors ng Batangas at Cavite na maging proactive sa mga hakbang upang matiyak na ang lahat ng Local Chief executivess ay naka-alerto hinggil sa Taal Volcano eruption.

Lahat ng mga alkalde at pinunong Barangay ay kinakailangang tumanggap ng gabay at utos sa pamunuan ng dalawang lalawigan para mayroong iisa at magkakaparehong  aksyon ano man ang mangyari.

Facebook Comments
From Advertisers