DILG, pinuri ang Marikina City sa pagpasa ng ordinansa na linisin ang mga kalsada sa mga sagabal

Pinapurihan ng Department of the Interior and Local Government ang Marikina City sa ginawa nitong pagpasa ng ordinansa na nagbubukas sa mga motorista ng mga subdivision.

Kasama na rin dito ang pagpapatupad ng “No Garage, No Permit” Policy na malaki ang tulong sa pagpapaluwag ng mga kalsada sa Metro Manila.

Hinikayat ni DILG Secretary Eduardo  Año Ang ibang local government units na magpatupad din ng kahalintulad na ordinansa na sumusuporta sa utos ni pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang mga kalsada sa lahat ng obstruction.


Ani Año, kailangan ng katatagang pampulitika ng mga LGUs sa pagpapatibay ng mga local ordinance na makakatulong sa pagsasaayos ng matagal nang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Nauna nang pinuri ng DILG ang San Juan City government dahil sa paghikayat sa mga lot owners na ipagamit bilang terminal ang kanilang nakatiwangwang na lupa.

Facebook Comments