DILG, pinuri ang mga matataas na opisyal ng PNP na nagsumite na ng kanilang courtesy resignation

Pinuri ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nagsumite na ng kanilang courtesy resignation.

Ito ay kasunod ng apela ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr., sa mga police colonel at general na maghain ng resignation dahil ilan sa mga ito ang sangkot sa iligal na droga.

Ayon kay Sec. Abalos, maganda ang ipinakitang leadership ni PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. sa kaniyang mga kapwa opisyal na senyales ng tunay na dagal at integridad sa serbisyo.


Aniya, sana maging daan at inspirasyon ito sa iba pang opisyal ng PNP na gawin din ito.

Nauna nang naghain ng kaniyang courtesy resignation si Azurin noong Huwebes gayundin ang command group na kinabibilangan nina Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia, Deputy Chief for Administration at Police Lt. Gen. Benjamin Santos, Deputy Chief for Operations.

Habang kahapon naghain ng kanilang resignation ang mahigit 60 heneral at koronel ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Facebook Comments