Limang daang pamilya, inilikas dahil sa pagbaha sa Norzagaray, Bulacan

Photo Courtesy: Barangay Matictic Public Information - Norzagaray, Bulacan

Tinatayang limang daang pamilya ang inilikas ngayon sa Norzagaray, Bulacan.

Kasunod na rin ng naranasang pagbaha matapos na magpalabas ng tubig ang Angat at Ipo dam dahil sa patuloy na pag-ulan bunsod ng sama ng panahon.

Ayon kay Norzagaray Mayor Ma. Elena Germar, kabilang sa mga binahang lugar ay ang Barangay Poblacion, Matictic, San Mateo at San Lorenzo na pawang malalapit sa ilog.


Nabatid na umapaw ang Angat River kahapon ng magpalabas ng tubig ang Angat at Ipo dam sa Norzagaray dahilan para bumaha sa mga kalapit barangay.

Kaugnay nito, nagbigay na ng relief goods ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente na ngayon ay nasa mga evacuation center.

Facebook Comments