DILG Region 2, Patuloy ang Pagbabahagi ng Kaalaman tungkol sa ‘Pederalismo’

*Tuguegarao City, Cagayan*- Patuloy ang Information and Education Campaign ng Department of Interior and Local Government Region 2 sa panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa Pederalismo.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Regional Director Jonathan Paul Leusen, Jr. ng DILG-R02, nagsasagawa sila ng mga hakbang upang ipaalam sa publiko ang tungkol sa Pederalismo kung saan nais ni Pangulong Duterte na mabago ang sistema ng bansa.

Aniya, iniimbitahan din ang kanilang tanggapan sa ilang mga lectures gaya ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan para ibahagi sa publiko ang kagandahan dulot kung sakaling mabago ang nasabing sistema.


Aminado naman si DILG Dir. Leusen na mahirap maipasa ang nasabing pagbabago ng sistema ng bansa sa pagiging pederalismo kung kaya’t patuloy pa rin ang kanilang kampanya sa buong Lambak ng Cagayan tungkol dito.

Hinihikayat naman ni Dir. Leusen ang publiko na kung sakaling may mga gusto silang malaman tungkol sa Pederalismo ay magsadya lamang sa kanilang tanggapan o sa may pinakamalapit na opisina ng nasabing ahensya.

Facebook Comments