DILG sa PNP: Arestuhin at kasuhan ang mga namemeke ng RT-PCR tests

Iniutos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) na hulihin at kasuhan ang mga kataong sa likod ng pag-iisyu ng mga pekeng RT-PCR certification.

Sinabi ni DILG Officer-in-Charge and Undersecretary Bernardo Florece, Jr. na hindi na dapat maulit ang nangyari sa Boracay na nakapasok ang mga turista na may pekeng RT-PCR tests.

Anim na Metro Manila residents ang nauna nang pinigil na makapasok sa pamosong isla matapos makapagpakita ng fake RT-PCR test certifications. Tatlo sa mga kataong ito ay lumitaw na nagpositibo sa COVID-19.


Nagbabala si Florece na makukulong ang sinumang mapapatunayang pineke ang kanilang test certification.

Aniya sa ilalim ng Section 1-B ng Republic Act No. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, ang tampering ng records relating to notifiable diseases or health events of public health concern ay may multang mula P20,000 hanggang P50,000 at pagkakakulong ang naturang paglabag.

Ani Florece, dapat mahigpit na bantayan ng PNP ang mga entry points ng mga turista at manlalakbay para masigurong sumusunod ang mga ito sa health standards ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Facebook Comments