DILG Sec. Año, umaasang maipapatupad na bukas ang curfew sa Metro Manila

Umaasa si Interior Secretary Eduardo Año na magkakaroon na ng uniform implementation ng curfew ang mga lokal na pamahalaang lungsod sa metro manila bukas.

Kasunod ito ng pag-apruba ng 17 lungsod sa Metro Manila council resolution sa pagpapatupad ng curfew para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa ilalim ng resolusyon, ipapatupad ang curfew mula alas 8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng madaling araw.


Samantala, hindi pa makagagawa ng konkretong assessment ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga naging epekto ng community quarantine sa Metro Manila.

Hindi pa kasi aniya gaanong dagsa ang mga manggagawa na nagtatrabaho sa Metro Manila dahil linggo ngayon.

Ayon pa kay Año, makikipagpulong ulit siya kay Pangulong Duterte at sa task force bukas para talakayin ang mga adjustment na pwedeng gawin depende sa mga magiging epekto ng community quarantine.

Facebook Comments