Umapela si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa mga mambabatas na huwag nang alisin ang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ayusing muli upang ipamahagi sa iba pang programa ng gobyerno.
Ayon kay Año, ang DILG ay isa sa mga member-agencies ng NTF-ELCAC kung kaya’t nakadepende ang kanilang P16.44 billion pisong pondo para sa pagbibigay-suporta sa Special Barangay Development Program (SBDP).
Sa ilalim ng programang ito, pinipigilan ang posibleng pananamantala ng komunistang grupo sa mga baranggay na posibleng mauwi sa wala kung hindi na bibigyang pondo ang NTF-ELCAC.
Nabatid na maliban sa Metro Manila, nakikinabang din sa SBDP fund ang iba pang rehiyon sa bansa mula sa Region 1 hanggang Region 13.