Halos 9,000 bagong gumaling sa COVID-19, naitala ng DOH ngayong araw

29

Aabot sa 8,961 ang panibagong gumaling sa Pilipinas dahil sa COVID-19.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, sumampa na sa 993,042 ang kabuuang recoveries sa bansa.


Nasa 5,685 bagong kaso naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 1,073,555 ang kabuuang bilang ng kaso sa Pilipinas.

Sumampa naman sa 17,800 ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos itong madagdagan ng 178 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 62,713 na ang total active cases sa bansa.

Facebook Comments