DILG Sec. Benhur Abalos, pinagli-leave ang ilang mataas na opisyal ng PNP kaugnay sa nasamsam na 990 kilos ng shabu

Hinimok ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos dalawang heneral ng Philippine National Police (PNP) at walo pang pulis na mag-leave of absence habang nakabinbin ang imbestigasyon sa 990 kilo ng shabu haul na katumbas ng P6.7 bilyon na nakumpiska sa drug raid noong Oktubre noong nakaraang taon dahil may “massive attempt to cover-up” ang kaso.

Sa isang press conference, ipinakita ni Abalos ang isang closed circuit television (CCTV) footage na nagsisilbing ebidensya sa fact-finding board na pinamumunuan ni National Police Commission Vice Chairperson Alberto Bernardo kung saan nakita sa site ang ilang opisyal ng Philippine National Police noong araw ng mga operasyon.

Binigyan ni Abalos ng isang linggo ang mga pinangalanan para mag-file ng kanilang leave of absences at kung hindi magli-leave ay sususpindehin ang mga ito.


Ayon kay Abalos, ang kaniyang panawagan para sa leave ay upang mapanatili ang integridad ng imbestigasyon at ng mga piraso ng ebidensya.

Naniniwala rin ang kalihim na hindi lamang ang nasabing mga pulis ang sangkot sa kaso.

Facebook Comments