19 na kataong lulan ng MV Lady Mary Joy 3, patuloy na hinahanap

Pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad ang 19 na katao mula sa nasunog na passenger vessel sa Basilan na MV Lady Mary Joy 3.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Spokesperson Undersecretary Raffy Alejandro, sa kasalukuyan ay nananatili sa 32 ang death toll sa naturang trahedya.

Sa 32 nasawi, 16 sa narekober na mga bangkay ay hindi pa rin maikilala dahil sa ang mga ito ay pawang nasunog.


Aniya, nahihirapan ang search, rescue at retrieval operation team dahil sa hindi tugmang manipesto.

Matatandaang nasunog noong Marso 29 ang MV Lady Mary Joy 3 patungong Jolo, Sulu mula sa Zamboanga City kung saan 230 pasahero at crew ng barko ang nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG).

Facebook Comments