
Makikipagpulong ngayong araw si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa National Leadership ng Tau Gamma Phi.
Kasunod ito ng insidente sa General Trias, Cavite kaugnay sa pagkasawi ng 19-anyos na maritime student dahil umano sa hazing.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Remulla na ang pakikipagpulong niya sa naturang fraternity ay upang matigil na ang ganitong uri ng gawain.
Dagdag pa niya na nakakabahala ito dahil hindi pa rin aniya natututo ang mga fraternities sa kanilang practices sa kabila ng umiiral na batas.
Kaugnay nito, sumuko na sa pulisya ang isa sa mga suspek sa pagkamatay ng maritime student matapos itong umamin na isa siya sa nanakit at nagdala sa biktima sa ospital ayon sa inisyal na imbestigasyon ng General Trias PNP.










