Hinikayat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga alkalde at punong lungsod na payagan ang pagkakabit ng mga tarpaulin na nagdedeklarang persona non grata ang New People’s Army (NPA) sa kanilang nasasakupan.
Ginawa ni Año ang pahayag kasunod ng pagpalag at pag-uutos ni Manila Mayor Isko Moreno na ipatanggal ang mga anti-communist tarpaulin.
Giit ng kalihim, walang dapat ikatakot si Moreno kung hindi naman ito miyembro ng komunistang grupo.
Ayon pa kay Año, nirerespeto niya ang ilang grupo na nais lang magpahayag ng saloobin na sawa na sa karahasan at panggugulo ng NPA at ng kanilang mga front organizations.
Sinabi pa ni Año, seryoso ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict na tapusin na ang problema ng insurhensiya sa bansa.