DILG Secretary Año, muling nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ni Secretary Eduardo Año ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na muli itong nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Batay sa inilabas niyang pahayag, August 13, 2020 nang simula siyang makaramdam ng flu-like symptoms, pananakit ng lalamunan at katawan.

Sumunod na araw, nagsimula na siyang mag self-quarantine.


Kahapon ng gabi, natanggap niya ang resulta sa ginawang swab test na COVID-19 positive siya.

Aniya, ginawa niya ang announcement na ito para malaman ng mga taong nakasalamuha niya upang sila ay makapag quarantine na rin, bantayan kung nakararamdam sila ng sintomas ng COVID-19 at gumawa na ng mga hakbang upang hindi na lumala at makapanghawa pa.

Hinihikayat naman niya ang publiko na parating magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay at panatilihin ang social distancing.

Matatandaang noong March 2020 unang nagpositibo sa COVID-19 si DILG Secretary Año.

Facebook Comments