Pinapurihan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary “Benhur” Abalos Jr., ang Philippine National Police (PNP) sa matagumpay na anti-illegal drug operations nito na nagresulta sa pagkakasabat ng ₱6.7 billion na halaga ng shabu.
Ayon kay Abalos, isa itong game-changing accomplishment na sumasalamin sa katatagan ng administrasyong Marcos na sugpuin ang illegal na droga.
Kasabay nito, nagbabala si Abalos sa PNP na di kukunsintihin ang mga miyebro nito na sangkot sa illegal drugs.
Kasunod ito ng pagkakasakote kay M/Sgt. Rodolfo Mayo Jr., na miyembro ng Philippine Drug Enforcement Group sa mga ikinasang operasyon.
Nahulihan siya ng dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱13.6 million.
Giit ni Abalos, si Mayo ay mahaharap sa administrative cases kung saan posible siyang masibak sa tungkulin.
Inihahanda na rin ang criminal complaints laban dito at sa iba pang suspek.
Ayon pa sa DILG chief, ang pagkakatimbog kay Mayo ay magsisilbing babala sa mga tiwaling miyembro ng PNP.