DILG Secretary Eduardo Año, ikinatuwa ang pagbasura ng SC sa lahat ng apela kontra Anti-Terror Law

Katanggap-tanggap sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang tuluyang pagbasura ng Korte Suprema sa mga apela kontra Anti-Terror Law.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang pinal na pasiya ng Supreme Court ay tagumpay, hindi lamang para sa gobyerno kundi sa sambayanan na hangad na matuldukan ang mga karahasan, panggulo at terorismo.

Ani Año, dahil sa development na ito, mas higit na tumibay ang kahandaan ng DILG at Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang hangarin ni Pangulong Rodrigo Duterte na iwanang pamana ang pagtapos sa insurgency, terrorism at iba pang banta sa kapayapaan.


Sa ngayon aniya ay wala nang balakid upang gamitin ang buong kapangyarihan ng Anti-Terror Law upang protektahan ang taumbayan laban sa terorismo.

Facebook Comments