Inabswelto ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Dionardo Carlos sa imbestigasyon sa pagbagsak ng police helicopter sa Real, Quezon.
Sa isang statement, sinabi ni Año na walang pananagutan si Carlos sa pangyayari.
Aniya, sa ngayon ay dapat ituon ang imbestigasyon sa sanhi ng aksidente.
Dagdag ni Sec. Año na hindi na umano kailangang mag-leave ni Carlos habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Ginawa ng kalihim ang pahayag kasunod ng napaulat na ang nag-crash na helicopter ay susundo sana sa PNP chief mula sa isang exclusive resort island sa Balesin noong umaga ng Lunes.
Sinabi ni Año na bilang pinakamataas na pinuno ng Pambansang Pulisya, karapatan ni Carlos na gumamit ng PNP chopper lalo na’t sa panahong magkakasunod ang mga schedule ng aktibidad at walang ibang magamit na mabilis na transportasyon.