DILG, sinusuri na ang IRR ng GCTA; pagtutuos sa GCTA, sinuspindi ng 10 araw

Pinasimulan na ng Department of the Interior and Local Government ang pagbusisi  ng isang Joint Committee  sa Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 10592.

Kasabay nito, pansamantalang sinuspindi ang proseso ng pagtutuos ng Good Conduct Time Allowance.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, tinutukoy na ng joint review ang mga hindi pagkakatugma sa pagitan ng Implementing Rules and Regulations at ang Uniform Policy and Guidelines na ginagamit sa pagtutuos ng mga credit at allowance.


Sa sandaling matapos, magsusumite ng report at draft revised IRR, uniform policy at guidelines ang Joint Committee.

Aniya, kung maayos ang kalituhan sa IRR, maaaring hindi na kakailanganin na muling tingnan ng kongreso ang naturang batas.

Facebook Comments