Iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na gagawin nila ang lahat para maibigay ang hustisya sa babaeng estudyanteng binaril sa loob ng campus sa Tugegarao sa Cagayan.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr., na inatasan na niya ang Philippine National Police (PNP) upang bigyan ng proteksyon at seguridad ang pamilya ng biktima.
Matatandaang ang biktima na si Mendoza ay isang third year Medical Technology student ng St. Paul University – Tuguegarao na pinagtangkaan ng masama, binugbog bago pinagbabaril sa loob ng campus ng suspek na kanyang binasted na manliligaw na si Kristian Rafael Ramos.
Facebook Comments