Agad na kumilos ang Department of the Interior and Local Government (DILG) matapos na iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsuspinde sa operasyon ng E-sabong sa buong bansa.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, inatasan na niya ang Philippine National Police (PNP) at ang mga Local Government Units (LGUs) na ipahinto ang sa E-sabong operations sa kanilang nasasakupan.
Ani Año, ang kautusan ng pangulo ay nagpatibay lang sa resulta ng kanilang survey hinggil sa kinahuhumalingan na E-sabong.
Ang DILG, sa pamamagitan ng kanilang regional at field offices, nag-survey sila sa mga lungsod at munisipalidad sa bansa.
Base sa survey results, 62% mayorya sa mga natanong ay gustong ipahinto ang E-sabong.
Marami umano ang nalulon sa naturang sugal lalo na noong may community quarantine.
34% naman ang gustong ipagpatuloy ito pero kailangang may mahigpit na regulasyon.
Habang 4% lang ang sumusuporta na mapanatili ang operasyon ng E-sabong.