DILG, tiniyak na nakaalerto ang pwersa ng pamahalaan habang umiiral ang Unilateral Ceasefire

Inihayag ni DILG Secretary Eduardo Año na mananatiling nakaalerto ang pwersa ng pamahalaan at titiyaking nasa malakas na defensive stance sa panahon na umiiral ang Unilateral Ceasefire.

Sa kanyang inilabas na Statement, inatasan na ni Año ang Philippine National Police na sumunod at mag isyu ng mga kaukulang orders sa lahat ng units sa field.

Ang pagdeklara ng Unilateral Ceasefire sa CPP -NDF ngayong Christmas season ay prerogative ng pangulo at kailangang sundin ang kanyang desisyon.


Paliwanag ng kalihim na magkakaroon na rin aniya ng oportunidad ang mga pulis at sundàlo sa field na i-celebrate ang Pasko sa kanilang pamilya.

Umaasa din si Año na sana  mapagtanto ng  NPA rebels na ang kanilang ipinaglalaban ay walang saysay at   kasuklam-suklam na dahilan.

Makakabuti na rin sa kanila na sumuko at i-avail ang Enhanced Comprehensive Local Community Integration Program (ECLIP) at magsimula ng bagong buhay   kasam ang kanilang pamilya.

Facebook Comments