Mga Pilipino sa Hongkong, muling pinag-iingat ng konsulada

Pinag-iingat muli ng konsulada ng Pilipinas ang mga Pilipinong nasa Hongkong.

Ito ay matapos makatanggap ng ulat ang konsulada na mayroong magaganap na kilos protesta sa ilang lugar sa hongkong simula ngayong araw.

Dahil dito, pinaiiwas nila ang Pinoy sa mga lugar na nagkakasa ng kilos protesta at pinapayuhan na manatili muna sila sa loob ng kanilang tahanan.


Ayon pa sa konsulada, kinakailangan maging alerto ang ating mga kababayan at maging mapagmatyag upang makaiwas sa posibleng kaguluhan.

Bukod dito, pinagbawalan din ng konsulada ang mga OFW’s na magsuot ng damit na itim o puti upang hindi mapagkamalang isa sa mga nagkikilos protesta.

Sa mga manga­ngailangan ng tulong, maari namang tumawag sa 9155-4023 para sa Consular Assistance, 6165-2406 sa POLO at 6345-9324 sa OWWA.

Facebook Comments