Naniniwala ang pamunuan ng Department of Interior mad Local Government (DILG) na hindi na makatutulong para sa mga Pilipino at sa Ekonomiya ng bansa kung magpapatuloy pa ang umiiral na Lockdown sa buong Luzon.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año hindi dapat pangamba ang publiko hinggil sa posibilidad ng pagpapalawig umano ng umiiral na Lockdown sa bansa.
Paliwanag ng Kalihim napakadali lamang para hindi tamaan o hawaan ng naturang virus,ang dapat kailangan lang umanong gawin sa ngayon ay mahigpit na sundin ng publiko ang utos ng DOH at PNP na dapat ay manatili lamang sa kanilang mga bahay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Giit ni Secretary Año nakasalalay umano ang itatagal ng Lockdown kung patuloy na dumarami ang kaso ng COVID 19 na naisasailalim sa pagsusuri ang isang tao.
Naniniwala ang kalihim na kakayanin nang alisin ng Pamahalaan ang Lockdown na mas maaga sa itinakdang Petsa na Abril a-Katorse kung makikipagtulungan lamang at sumunod ang bawat isa sa iniuutos ng mga otoridad.