DILG, tiwalang magiging payapa na ang pagtulog ng mga Pilipino dahil sa Anti-Terrorism Law

Mas magiging tahimik at payapa na ang bawat gabi ng mga Pilipino ngayong naisabatas na ang Anti-Terrorism Law.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, mas magbibigay ito ng karagdagang seguridad sa mga komunidad.

Nararapat lamang aniya na mabigyan ang mga bata ng ligtas at maayos na komunidad kung saan malaya silang mangarap at mag-asam ng magandang kinabukasan.


Sa ngayon, nasa walong grupo ang naghain ng petisyon sa Korte Suprema na kumukwestyon sa legalidad ng bagong batas na magiging epektibo na simula sa July 18, 2020.

Facebook Comments