Matapos ang pagdinig sa Senado kung saan maluhang inilahad ng mga magulang na lumayas ang kanilang mga anak at sumama sa mga makakaliwang grupo.
Igiinit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mas papaigtingin pa nila ang pagbabantay sa seguridad sa mga paaralan at unibersidad sa buong bansa.
Base sa datos ng DILG, aabot sa 500 hanggang 1000 ang mga nare-recruit ng mga rebeldeng grupo kada taon.
Kabilang sa mga target ng nasabing grupo, ang mga eskwelahan, factory o pagawaan at iba pa.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, susuriin at pag-aaralan muli nila ang kasunduan ng mga paaralan at unibersidad at ng DILG ukol sa pagtatalaga ng mga kapulisan.
Aniya, ang paglalagay ng mga pulis ay malaking tulong para mapigilan ang pagtaas ng bilang ng mga estudyanteng nare-recruit ng mga rebeldeng grupo.
Dagdag pa niya, mas palalakasing pa nila ang ugnayang sa mga tauhan ng eskwelahan at ganundin sa mga estudyante para magkaroon ng kaalaman kaugnay sa masamang operasyon ng mga redeldeng grupo sa bansa.
Binigyang diin ni Año, ginagawa nila ito sa publiko, hindi lang sa mga probinsiya, kundi kasama ang mga lungsod at sa buong bansa.
Sinabi rin ng kalihim, ang mga hakbang na isinasagawa nila ay para masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante at magkaroon ng maayos at malawak na seguridad sa mga paaralan laban sa mga rebeldeng grupo.