DILG, umaksyon na sa direktiba ni Pangulong Duterte para sa mabilis ang delivery ng COVID-19 vaccines sa mga probinsya

Nangako ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na magiging mabilis at nasa maayos na kondisyon ang mga COVID-19 vaccines na ide-deliver sa mga probinsya.

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DILG na i-supervise ang paghahatid ng mga bakuna.

Mahigpit ang tagubilin ngayon ng DILG sa Philippine National Police at Bureau of Fire Protection na makipagtulungan sa Department of Health at mga Local Government Units (LGU).


Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hindi na dapat maulit ang insidente ng pagkasira ng bakuna sa minisipyo ng Makilala, Cotabato dahil sa kawalan ng maayos na storage handling.

Gayundin ang insidente sa Polillo Island sa Quezon Province kung saan lumubog ang bangkang may kargang COVID-19 vaccines.

Pinatitiyak ng ahensya sa bawat LGU na may nakalatag na transportation mechanism upang matiyak na ang transportation ay compliant sa safe-handling ng mga vaccine.

As of May 17, 2021, 7,149,020 ng COVID-19 vaccine doses ay nai- deploy na sa mga vaccination centers sa buong bansa.

Nasa 3,001,875 vaccine doses ang naibakuna; 2,282,273 ay para sa first dose habang 719,602 doses ay naibigay para sa second dose.

Facebook Comments